-
Namamasko Po – Parokya ni Edgar
No CommentsPagpasensiyahan nyo na kung kami’y nanggugulo
Ganyan lang talaga tuwing kami’y namamasko
Walang pakialam kung san mapadaan
Basta’t mayrong mga mapagkakakitaan
May bitbit na gitara para sa’ming pagkanta
Mayrong dalang tubo baka may manghabol na aso
Tanggap naman namin na kami ay sintunado
Pero naman lolo please lang wag kang mambabatoPaminsan-minsan lang naman ang trip na’to
Paminsan-minsan lang naman din ang pasko
Hindi na dapat pinag-iisipan pa
Lahat tayo ay dapat magsayaHapon pa lang nagkakaroling na kami
Tinatanggap namin maging dyis man o bente
Di na kailangan pang mahusay ang pagkakanta
Basta’t sabay-sabay kami at sama-sama
Magkano na kaya ang aming naipon
Ayos lang kahit magkano basta’t may pang-inom
Ilang bahay na lang mayron nang pampulutan
Tapos sa bahay ko kami mag-iinumanPaminsan-minsan lang naman ang trip na’to
Paminsan-minsan lang naman din ang pasko
Hindi na dapat pinag-iisipan pa
Lahat tayo ay dapat magsayaDi na yata magsasawa saming pagsasama-sama
At sa aming pagkanta
Asahan na maraming kita
At kami ay sigurado na panandalian lamang ‘to
Alam naman namin na di nga araw-araw ang paskoPublished on December 14, 2009 · Filed under: Parokya ni Edgar; Tagged as: Christmas Song, Namamasko Po, Parokya ni Edgar, tagalog
