OPM Lyrics original pinoy music lyrics

Related Links

  • Simpleng Tao Lyrics and Music Video – Gloc 9


    [Verse 1:]
    Habang tumutunog ang gitara sa ‘kin, makinig ka sana
    Dumungaw ka sa bintana na parang isang harana
    Sa awit na aking i-sinulat ko kagabi
    ‘Wag sanang magmadali at ‘wag kang mag-atubili dahil…

    Kahit na wala akong pera
    Kahit na butas aking bulsa
    Kahit pa maong ko’y kupas na
    At kahit na marami d’yang iba

    Ganito man ako (maniwala ka sana sa akin)
    Simpleng tao (na ikaw ang lagi kong dalangin)
    Ang maipagyayabang ko lang sa ‘yo (ay ang…)

    [Chorus:]
    Pag-ibig ko sa ‘yo na ‘di magbabago
    At kahit na anong bagyo, ika’y masusundo
    Ganito lang ako (maniwala ka sana sa akin)
    Simpleng tao (na ikaw ang lagi kong dalangin)
    Na umaasa hanggang ngayon

    Hindi mo namang kailangan ang sagutin
    Ang aking hinihiling
    Nais na maparating
    Na ‘di na muli pang dadaloy ang luha
    Pupunasan nang kusa
    ‘Di kailangang manghula
    Kahit pamasahe lang ang palagi kong dala
    Upang makasama ka
    Kapag nakikita ka
    Lagi kang aalalayan kahit ano man ang ‘yong
    Mga ibinubulong
    Malalim pa sa balon
    Ito lamang ang…

    [Chorus:]
    Pag-ibig ko sa ‘yo na ‘di magbabago
    At kahit na anong bagyo, ika’y masusundo
    Ganito lang ako (maniwala ka sana sa akin)
    Simpleng tao (na ikaw ang lagi kong dalangin)
    Humingi na ba ng saklolo

    [Verse 2:]
    Kay Spider-Man o kay Batman
    Kay Superman o Wolverine
    Kahit ‘di maintindihan
    Baka sakaling pansinin

    Ganito lang ako (maniwala ka sana sa akin)
    Simpleng tao (na ikaw ang lagi kong dalangin)
    Ang maipagyayabang ko lang sa ‘yo (ay ang…)

    (Pag-ibig) Ko sa ‘yo, ito’y totoo
    Wala nang iba, ikaw at ako
    Lang ang nasa isip at panaginip
    ‘Pag nakikita ka, sasabihin ko’y

    Nawawala, ikaw na nga
    Ang dahilan kung bakit nasulat ko ang tulang
    Kahit kanino ay aking maipagyayabang
    Minamahal kita subalit tanggapin mo sana kahit…

    Ganito lang ako (maniwala ka sana sa akin)
    Simpleng tao (na ikaw ang lagi kong dalangin)
    Ang maipagyayabang ko lang sa ‘yo (ay ang…)

    [Chorus:]
    Pag-ibig ko sa ‘yo na ‘di magbabago
    At kahit na anong bagyo, ika’y masusundo
    Ganito lang ako (maniwala ka sana sa akin)
    Simpleng tao (na ikaw ang lagi kong dalangin)
    Ang maipagyayabang ko lang sa ‘yo

    Pag-ibig ko sa ‘yo na ‘di magbabago
    At kahit na anong bagyo, ika’y masusundo
    Ganito lang ako (maniwala ka sana sa akin)
    Simpleng tao (na ikaw ang lagi kong dalangin)
    Na umaasa hanggang ngayon sa pag-ibig mo

    Sa pag-ibig mo
    Sa pag-ibig mo
    (Maniwala ka sana sa akin)
    (Na ikaw ang lagi kong dalangin)
    Sa pag-ibig mo
    (Maniwala ka sana sa akin)
    (Na ikaw ang lagi kong dalangin)
    Sa pag-ibig mo
    (Maniwala ka sana sa akin)
    (Na ikaw ang lagi kong dalangin)
    Sa pag-ibig mo
    (Maniwala ka sana sa akin)
    (Na ikaw ang lagi kong dalangin)

    Published on December 31, 2009 · Filed under: Gloc 9; Tagged as: ,
    No Comments

Leave a Reply